Suriin Natin, Basahin ang maikling kasaysayan.*, EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya, Noong taong 1986 ay nalagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo, bilang isang bansa na mapayapang nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo. Ito ay dahil sa isang rebolusyon na hindi nagkaroon ng madugong engkuwentro, bagkus ay kinilala ang pagkakaisa at paggalang ng mga Pilipino sa kalayaan at kapayapaan. Sa loob ng humigit kumulang na dalawampung taon ay nabiktima ang mga Pilipino ng isang kapwa Pilipino. Idineklara ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar. Sa mga panahong iyon ay namayani si Marcos bilang diktador. Hinuli at ikinulong ang sinumang tumaliwas sa kaniya. Maraming ipinagbawal, maraming hinuli at ikinulong. Isa na rito si dating Senador Benigno 201cNinoy201d Aquino Jr. Palagian at tahasan ang kaniyang pagkontra sa administrasyon ni Marcos hanggang sa ipatapon siya sa America. Bumalik si Ninoy Aquino Jr. sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 ngunit siya ay pinatay sa paliparan. Dito nagsimula ang pagsiklab ng galit ng mga Pilipino. Dumami ang kilos-protesta na hayagang kumokontra kay Marcos. Dumating ang 1986 at nahikayat ang biyudang si Corazon 201cCory201d Aquino na labanan si Marcos sa pagkapangulo. Natalo si Cory at marami ang nakadamang siya ay labis na dinaya. Hanggang sa isang panawagan ni Jaime Cardinal Sin, nagpunta ang mga Pilipino sa EDSA, at dito nagsimula ang apat na araw na rebolusyon. Sa kabila ng pagharang ng mga military at sundalo, hindi napigilan ang mga mamamayan na magtipon-tipon sa EDSA. Sa kabila ng mga armas at kagamitan ng mga kakampi ng diktador, hindi nagpadala ang mga Pilipino sa karahasan. Ang baon nila sa EDSA ay rosaryo, bulaklak, at pagkain; ang kanilang mga armas ay pagkakaisa at panalangin. Sa loob ng apat na araw, nagkapit-bisig ang mga military, relihiyoso, politiko, at mga ordinaryong Pilipino. Walang naganap na labanan at barilan, hanggang sa napalambot ang puso ng mga sundalo at pulis. Bumaligtad sila kay Marcos hanggang sa umalis ng bansa ang pamilya ng diktador.Nailuklok si Cory Aquino bilang pangulo ng bansa sa mapayapang paraan. Siya ay kinilala bilang Ina ng Demokrasya at haligi ng Mapayapang Paglaya., Panuto: Balikan ang binasang teksto kaugnay ng EDSA 1 hanggang sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa kasalukuyan. Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring ito. Maaaring gumamit ng ibang sanggunian, pahayagan upang mabalikan ang kasaysayan., Taon Pangulo Mahalagang Pangyayari, 1.2016- Rodrigo R. Paglaganap ng covid-19 crisis, kasalukuyan Duterte, 2., 3., 4., 5., 6., 7., 8., 9., 10., 11., 12., 13., 14., 15., 16., nonsense, rude, wrong answer = report, correct, polite = like, 5 star rate, brainliest (kung dalawa ang nag answer), Kailangan napo now

1 min read


Suriin Natin


Basahin ang maikling kasaysayan.*

EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya
Noong taong 1986 ay nalagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo
bilang isang bansa na mapayapang nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo. Ito ay dahil sa isang rebolusyon na hindi nagkaroon ng madugong engkuwentro, bagkus ay kinilala ang pagkakaisa at paggalang ng mga Pilipino sa kalayaan at kapayapaan. Sa loob ng humigit kumulang na dalawampung taon ay nabiktima ang mga Pilipino ng isang kapwa Pilipino. Idineklara ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar. Sa mga panahong iyon ay namayani si Marcos bilang diktador. Hinuli at ikinulong ang sinumang tumaliwas sa kaniya. Maraming ipinagbawal, maraming hinuli at ikinulong. Isa na rito si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Palagian at tahasan ang kaniyang pagkontra sa administrasyon ni Marcos hanggang sa ipatapon siya sa America. Bumalik si Ninoy Aquino Jr. sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 ngunit siya ay pinatay sa paliparan. Dito nagsimula ang pagsiklab ng galit ng mga Pilipino. Dumami ang kilos-protesta na hayagang kumokontra kay Marcos. Dumating ang 1986 at nahikayat ang biyudang si Corazon “Cory” Aquino na labanan si Marcos sa pagkapangulo. Natalo si Cory at marami ang nakadamang siya ay labis na dinaya. Hanggang sa isang panawagan ni Jaime Cardinal Sin, nagpunta ang mga Pilipino sa EDSA, at dito nagsimula ang apat na araw na rebolusyon. Sa kabila ng pagharang ng mga military at sundalo, hindi napigilan ang mga mamamayan na magtipon-tipon sa EDSA. Sa kabila ng mga armas at kagamitan ng mga kakampi ng diktador, hindi nagpadala ang mga Pilipino sa karahasan. Ang baon nila sa EDSA ay rosaryo, bulaklak, at pagkain; ang kanilang mga armas ay pagkakaisa at panalangin. Sa loob ng apat na araw, nagkapit-bisig ang mga military, relihiyoso, politiko, at mga ordinaryong Pilipino. Walang naganap na labanan at barilan, hanggang sa napalambot ang puso ng mga sundalo at pulis. Bumaligtad sila kay Marcos hanggang sa umalis ng bansa ang pamilya ng diktador.Nailuklok si Cory Aquino bilang pangulo ng bansa sa mapayapang paraan. Siya ay kinilala bilang Ina ng Demokrasya at haligi ng Mapayapang Paglaya.

Panuto: Balikan ang binasang teksto kaugnay ng EDSA 1 hanggang sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa kasalukuyan. Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring ito. Maaaring gumamit ng ibang sanggunian, pahayagan upang mabalikan ang kasaysayan.

Taon Pangulo Mahalagang Pangyayari
1.2016- Rodrigo R. Paglaganap ng covid-19 crisis
kasalukuyan Duterte
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
nonsense, rude, wrong answer = report
correct, polite = like, 5 star rate, brainliest (kung dalawa ang nag answer)
Kailangan napo now

Answer:

sana naka tulong

po sana naka tulong


PLEASE HELP TOMORROW KO NA PO ITO KAILANGAN :((,…

PLEASE HELP TOMORROW KO NA PO ITO KAILANGAN :(( 1. What is the sum of the interior angles of a triangle? A. 180° B....
Prowellness
50 sec read

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit…

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt: Nauunawaan ko na Nababatid ko na Kaillangan kong higit pang...
Prowellness
12 sec read

The big history of modern science?

The big history of modern science?​   Answer: The Big History of Modern Sciences As time passes, mans grasp of science and our planet...
Prowellness
31 sec read

Leave a Reply

Your email address will not be published.